OFW sa Saudi, instant milyonarya matapos makapulot at maibenta ang meteorite sa halagang P170M

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang naging instant milyonaryo matapos umano itong makapulot ng meteorite o bulalakaw sa bahay ng kanyang pinagtatrabahuhan sa Saudi nitong nakaraang Hulyo 27, 2022.

Ayon sa salaysay ng hindi na pinangalanang OFW, nakarinig umano ito ng malakas na kalabog sa labas ng kanyang pinagtatrabahohang bahay kaya’t agad niya itong hinanap.

Laking gulat pa umano nito ng makita ang umuusok at umaapoy na bato sa isang sulok ng compound.

Agad niya itong sinabuyan ng tubig upang matigil sa pag-apoy. Nang malaman ng kanyang amo kung ano ang nahulog ay tumawag raw ito ng dalawang lalaki upang suriin ang bato.

Anila, 100% raw na meteorite nga ang bumagsak sa bahay ng kanyang amo.

Kwento niya, pilit umanong kinukuha ng kanyang amo ang mga bato at gustong i-surrender sa dalawang lalaki dahil malas daw iyon sa kanyang bahay.

Hindi naman pumayag ang OFW sa kagustuhan ng kanyang amo.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay ipinatingin niya ang napulot na bulalakaw sa mga bumibili ng mga kaparehong bato.

Hindi nasayang ang pagbabakasakali ng OFW dahil mabilis itong nabenta sa malaking halaga.

Nagkakahalaga ng 11.6 million riyals o mahigit sa 170 million pesos ang napulot na bato ng OFW.

Nakatakda na umanong umuwi sa bansa ang maswerteng OFW upang makapag negosyo kahit hindi pa tapos ang kanyang kontrata.

Panoorin ang video sa ibaba:

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*