Kambal na magkadikit ang ulo, matagumpay na napaghiwalay sa tulong ng operasyon

Matagumpay na napaghiwalay ng mga duktor ang Conjoined twins na ito sa Brazil bagaman kumplikado at maaring isa sa mga kambal ang mawalan ng buhay

Ay sinikap ng mga eksperto na maisasalba nila parehas ang buhay ng kambal isa ito sa pinaka kumplikadong 0perasyon na kanilang isasagawa kung kaya’t pinag-isipan at mabusisi nila itong pinag-aralan ng ilang buwan bago ito tuluyang maisagawa.

Ang Kambal na ito ay kinilalang sina Arthur at Bernardo Lima isinilang ang kambal taong 2018 sa Estado ng Roraima sa hilagang Brazil craniopagus twins, isang napakabihirang kondisyon kung saan ang magkapatid ay pinagsama sa cranium.

Ang ganitong kundisyon ay pambihira at kung nais man na paghiwalayin ang kambal na ito ay maliit lamang ang tyansa na isa sa kanila ang hindi mabuhay.

Ngunit dahil narin sa makabagong teknolohiya ay maaring gawing possible ang impossible kung kaya’t sa loob ng ilang buwan na paghahanda ay isinagawa na nila ang 0perasyon para sa kambal.

Inabot ng mahigit 23-oras ang 0perasyon sa kambal at dahil sa dedikasyon ng kambal na mabuhay ay matagumpay silang napaghiwalay at parehong nabuhay.

Saad ng mga ekspertong duktor ay isa sa pinaka mahirap na parte na kanilang isinagawa ay ang paghiwalayin ang kanilang ulo dahil kaunting pagkakamali lamang ay maaring maapektuhan ang kanilang utak.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*