Luis Manzano, May Banta Kay Jessy Mendiola Kapag Ginawa Niya Ang Bagay Na Ito

Game na naglaro ng ‘Jojowain o Totropahin’ challenge sina Jessy Mendiola kasama ang kaniyang mother-in-law na si Vilma Santos, pinsan ni Luis at pati na din ang kanilang mga house helpers at si Luis naman ang nagsilbing taga-tanong.
“Sandali lang, Jes. Parang nahihiya ako sa edad ko na makikipag-usap pa ako dito kung sino ang gusto kong jowain. Para yatang alangan sa edad ko, Jes,” nahihiya at natatawang saad ni Vilma.

Pagpapaliwanag naman ni Jessie, laro laro lang naman ang kanilang gagawin at katuwaan lang. Sa buong laro, kitang kita na naaaliw si Vilma kaya naman biniro siya ng anak sa kaniyang mga sagot.


“Parang wala ka pang tino-tropa ah. Parang lahat jinowa,” pabirong sabi ni Luis sa ina.

Maraming foreign at local celebrities na nabanggit si Luis gaya nina Christopher de Leon, Bobot Mortiz, Brad Pitt, Richard Gere, Aljur Abrenica, Piolo Pascual, Derek Ramsay, Ken Chan, Lee Min Ho, Hyun Bin, at marami pang iba.

Pero nang mabanggit ang isang Korean actor ay tila nagbago ang timpla ni Luis.


“Gong Yu,” saad ni Luis. Kaagad naman itong sinagot ni Jessy ng “Jojowain.”

Ani Luis,

“Magbigay ka naman ng 2 seconds lang para hindi halata.”

Kahit ang kaniyang mother-in-law ay jojowain nga ang Korean aktor. Mukha namang talagang crush na crush ni Jessy si Gong Yu dahil sa sinabi niya na may koneksyon sa relasyon nila ng kaniyang asawa.

“Jojowain talaga. Hihiwalayan kita para sa kaniya,” pabirong saad ni Jessy.


Halos magkasing-edad lang din kasi sina Luis at Gong Yu.

“Alam mo love kung bakit ko siya crush. Kasi naaalala kita sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit,” bawi naman ni Jessy sa asawa.

Pabirong saad ni Vilma, muntik na daw niyang sakalin si Jessy dahil sa sinabi nito sa kaniyang anak. Sa huli naman, solong tinanong ni Luis ang kanilang kasambahay na si Ate Cindy.

Isang pangalan na lamang ang naiiwan dito at para kay Cindy ang katanungan na ito.


“Jojowain o totropahin, Luis Manzano,” diretsahang tanong ni Luis.

“Sorry ha, jojowain ko na ‘to,” sagot naman ni Ate Cindy. Napuno naman ng tawanan ang bahay sa sagot nito.

“Iiwan mo ako para kay Gong Yu, iwanan kita para dito,” sabay turo kay Ate Cindy sambit ni Luis.

“Para lang siyang buwitre na mag-aantay. Magkamali ka lang ng isa, patumbahin ka nito. Nag-aantay lang ‘to, huwag kang magre-relax, huwag kang matutulog,” pagbabanta ni Luis kay Jessy.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw sa vlog, lalo na sa mag-asawa.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*