Kris Aquino sinisimulan na ang gamutan ayon kay Cristy Fermin: Maayos nang tingnan ang kanyang vital signs

IBINALITA ni Cristy Fermin ang latest update sa kalagayan ngayon ng nag-iisang Queen of Social Media na si Kris Aquino na kasalukuyang nasa Houston, Texas sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nila kasama sina Romel Chika at Morly Alinio na in-upload nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa batikang manunulat at vlogger, “Alam po namin na gusto ninyong makarinig ng kuwento mula sa amin tungkol sa gamutan na pinagdadaanan po ni Kris Aquino sa Amerika.

“Ayon sa huling balita na nakararating sa atin, maayos nang tingnan ang kanyang vital signs at kaya nga po dali-dali silang lumipad sa Amerika ay dahil ayaw nilang mahuli sa oras ng gamutan. ‘Yun ‘yung kailangan na doon naman tayo ninerbyos.

Kris Aquino reveals she'll be gone for over a year for medical treatments |  GMA News Online
“Tulad po ng inaasahan ay unti-unti na pong sinisimulan ang mga proseso ng gamutan kay Kris at maraming salamat dahil ‘yung kanyang team of doctors lalo na ‘yung Fil-Am doctor (Dr. Nino Gavino) na nakakita ng sakit niya na doon sa Amerika talaga kailangan gamutin, siya ang head doctor.”

Tanong ni Morly, “Ate Cristy ibig sabihin okay na siyang saksakan ng mga gamot kasi okay na ang vital signs niya?”

“Sa palagay ko ay positibo para sinimulan ang gamutan,” sagot ni ‘nay Cristy.

“Ibig sabihin sinisimulan na, unti-unting umuusog ang kanyang mga laboratory tests,”pahayag naman ni Romel.

At ipinagdiinan muli ni ‘nay Cristy na aabutin nga ng walo hanggang isang taon ang gamutan kay Kris kung may pagbabago sa kanya sa mga gamot na isasaksak sa kanya.

“Una muna siyempre aayusin ang mga vital signs, tapos ‘yung sa veins niya sa EGPA (Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis) ‘yun ang number one, eh, di ba? Kailangan talagang pagtibayin ang system ni Kris ‘yung antibodies na tinatawag, ini-inject’ yun, eh para may panlaban tayo,”kuwento ni ‘nay Cristy.

Dagdag pa, “alam mo kung bakit hindi pa siya nakakapagpadala ng kanyang ano (updates) na siya mismo personal kasi hindi pa niya kaya (mag text).”

Kris Aquino undergoes test before flying abroad for treatment - Asia News  NetworkAsia News Network
At may sariling tirahan ang magkapatid na Joshua at Bimby sa Houston, Texas na hindi naman binanggit kung sino ang mga kasama ng magkapatid.

“Hindi na usapin ang pera kay Kris Aquino, labas na siya ng labas para siya ay mabuhay kaya nga ang pera ate Cristy, paulit-ulit nating sinasabi iniimpok natin ‘yan pinaghahandaan natin ang kinabukasan, pero mas paghandaan natin ‘yung doon (sa Itaas),” say naman ni Morly.

“Siyempre habang nandito ka sa lupa tutukan mo muna ang sakit mo bago ka pumunta roon (sabay turo sa Itaas). Sigurado po kami sa mga panahong ito ay wala na pong ibang tinututukan si Kris Aquino kundi itaas niya ang kanyang kahilingan sa Panginoon,” pahayag ni ‘nay Cristy.

At muling humingi ang tatlong SNN hosts ng sabay-sabay na panalangin para kay Kris sa mga pinagdadaanan niya sa mga panahong ito.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*