Kathryn Bernardo, Usap-usapan Ngayon Sa Social Media Dahil Sa Lumabas Na Nagdadalang Tao Raw

Nagdadalang tao nga ba ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo?
Sa panahon natin ngayon, tila lahat ng bagay ay hindi nakakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens. Kahit ang maliliit na galaw lamang, ang pagtaas ng timbang ng mga artista, o di kaya ay ang malaking pagbabago sa kanilang pisikal na kaanyuan ay nagiging issue na kaagad sa ilang mga netizens.

Katulad na lamang ng balita na kumalat at naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang na nagdadalang tao na diumano ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa kaniyang longtime boyfriend at aktor na si Daniel Padilla. Nag-ugat ang issue mula sa isang video sa YouTube.


Makikita sa nasabing video ang vlog ni Kathryn na mayroong thumbnail na siya ay buntis at tinawagan ang kaniyang kasintahan na si Daniel Padilla para sabihin ang magandang balita. Makikita din na ang YouTube video ay #1 trending sa loob lamang ng isang araw at umani na kaagad ng 1.1 million views.

Kaakibat din ng video ang larawan ng nakaumbok na tyan diumano ng aktres. Tila isa umanong baby bump ayon sa uploader. Makikita sa viral video ang kumbinasyon ng mga larawan at videos nina Kathryn at Daniel kung saan makikitang mayroong hawak ang aktres ng larawan ng CT scan ng kanilang anak habang hawak naman ni Daniel ang kaniyang tiyan.


Marami naman sa mga fans ng KathNiel ang kaagad na dumipensa sa celebrity couple at sinabi na ang video ay isang malaking fake news dahil kung makikita sa official channel ng aktres ay wala ang nasabing video at ang thumbnail ay edited lamang. Kung titignan din ang channel ni Kathryn, ang latest upload niya ay dalawang buwan pa ang nakakaraan.

Saad pa ng mga fans na kung sakali man na mayroong bago sa relasyon nina Kathryn at Daniel, tiyak na ang dalawa na ang mag-aanunsyo ng magandang balitang ito sa publiko.


Alam din ng kanilang mga fans na nakatuon sa ngayon ang pansin ng celebrity couple sa kanilang career at ang priority nila ay magpakasal muna bago magsimula ng kanilang munting pamilya.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*