Jeric Gonzales nagbura ng mga pictures sa Instagram, hiwalay na kay Rabiya?

TULUYAN na nga bang naghiwalay ng landas ang Kapuso star na si Jeric Gonzales at si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo?

Matapos kasi ang unang kumalat na balita kung saan in-unfollow na nila ang isa’t isa at diumano’y nagkakalabuan na ang kanilang relasyon ay ang tila kumpirmasyon na break na nga sila.

Jeric Gonzales nagbura ng mga pictures sa Instagram, hiwalay na kay Rabiya?
Una nang nagbura ng mga larawan ang actress-beauty queen na si Rabiya ng mga larawan niya kasama si Jeric at ngayong araw nga ay sumunod na rin ang aktor.

Nang bisitahin namin ang account ng Kapuso actor ay wala na ang mga dating posts nito kasama na rin ang mga larawan nila ni Rabiya.

Isang larawan lang ang itinira nito na kuha sa kanilang upcoming South Korean series adaptation na “Start Up”.

RABIYA MATEO AND JERIC GONZALES UNFOLLOW EACH OTHER ON INSTAGRAM - Where In  Bacolod

Wala namang pahayag sina Jeric at Rabiya kung kumusta na nga ba ang kanilang relasyon.

Lately rin ay naging laman ng bulung-bulungan ang aktor matapos kumalat online ang larawan niya kung saan nakipaghalikan ito sa kapwa lalaki.

Marami tuloy ang curious kung ito nga ba ang dahilan kung bakit nagkakalabuan ang dalawa na unang umamin sa madlang pipol patungkol sa kanilang relasyon noong Marso.

May nagsasabing mula ang mga larawan na kumalat sa isang indie film ni Jeric ngunit wala namang makasagot kung anong titulo ng pelikula na kinunan daw noong 2020.

Base naman sa source ni Ogie Diaz, sinabi lang daw na indie film ito ngunit hindi raw ito totoo.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales unfollow each other on Instagram amid breakup  rumors | Cebu Daily News

“Sinabi lang daw na may indie film pero hindi raw ito indie film. It happened in reality. ewan ko kung totoo, pwede rin naman itong pabulaanan ni Jeric Gonzales. Yung matanda daw kasi yung producer nun… yun nga nagkukunwari kunwarian lang daw sila.

“Ang claim to fame ng naturang kahalikan ni Jeric, hindi raw nial alam na kinukunan sila,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, this year lang daw ito nangyari at hindi raw noong 2020.

Bukas naman ang Bandera sakaling nais bigyang linaw nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang mga isyung may kinalaman sa kanilang relasyon.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*