Janella Salvador, Balik Sa Kaseksihan Matapos Ang Kaniyang Panganganak

Hindi maipagkakaila ang mga pagbabago na maaaring maranasan ng isang Mommy, lalo na sa kanilang pisikal na kaanyuan. Maging ang kanilang pagdedesisyon at pag-iisip ay mag-iiba na din dahil mas prayoridad na nila ang ikabubuti ng kanilang mga anak dahilan kung bakit minsan ay nakakalimutan na nilang alagaan ang kanilang mga sarili. Ngunit mahalaga pa din na huwag natin kalimutan alagaan ang ating mga sarili.
Kagaya na lamang ng actress-singer na si Janella Salvador na nangakong hindi niya papabayaan ang kaniyang sarili habang inalagaan at tinututukan ang anak nila ni Markus Peterson na si baby Jude Trevor. Ngunit inamin ni Janella na hindi din ito naging madali para sa kaniya.

Sa latest post ni Janella sa kaniyang Instagram account, ibinahagi niya ang mga larawan kuha ilang buwan matapos niyang ipanganak si baby Jude Trevor. Kalakip ng mga larawan, ibinahagi ng actress ang hirap na pinagdaanan niya bago maibalik ang dating hugis at ganda ng kaniyang katawan.


Aniya,

“When I was pregnant with Jude, I promised myself that I would never forget self-care. I said I would take the time to do things that I love. Happy mum, happy family, right? But like many things in this world… it’s easier said than done.”

Pag-amin pa ni Janella,

“I lost all the remaining “vanity” that I had in me the moment Jude came into my life. My life revolved around him.”


Dahil sa mga pagbabago sa kaniyang pisikal na anyo matapos maging isang ina, nawalan umano siya ng kumpiyansa sa kaniyang sarili na maging ang dating pagkatao niya na punong-puno ng confidence sa sarili ay hindi na niya maramdaman dahil sa kaniyang insecurities. Umabot pa sa punto na nagsusuot siya ng mga maluluwang na damit upang itago ang kaniyang katawan na nadagdagan ng 40 pounds. May pagkakataon din na ayaw na niyang tignan pa ang kaniyang sarili sa salamin.

Aniya,

“I’m not gonna lie, I enjoyed every moment and I still do. But in those first few months, I physically did not feel like myself. I hid behind big coats, robes and loose clothing. The lack of sleep made me overeat so I was 40 POUNDS heavier than my ideal weight.”


Ngunit, isang inspirasyon naman ang binigay sa kaniya ni Dra. Vicki Belo at ang asawa nitong si Hayden Kho nang alukan siya ng mga ito ng lip0suction dahilan para bumalik ang kaniyang pag-asa na maibalik ang dati at maganda niyang pangangatawan.

Ngayon ay unti-unti na ding bumabalik ang confidence ng actress sa kaniyang sarili. Nangako din si Janella sa kaniyang sarili na pahahalagahan niya ang kaniyang pangangatawan kasabay ng pag-aalaga niya sa kaniyang anak.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*