Dennis Padilla, sumama ang loob nang hindi man lang naalala ng kanyang mga anak noong Father’s Day

Hindi man aminin, labis na nalungkot at nasaktan ang aktor na si Dennis Padilla nung Father’s Day.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba ang relasyon ngayon ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak at sa dating asawa nito sa si Marjorie Baretto.


Marami ang naka pansin na simula ng maghiwalay si Dennis at Marjorie. Ay naging malaki din ang pagbabago ng pakikitungo ng mga anak nila sa kanilang ama.

Tila kinalimutan na raw siya nila Julia, Claudia at Len bilang kanilang biological father.

Maging sa espesyal na araw para sa mga Ama ay, hindi man lang daw nakatanggap si Dennis ng pagbati mula sa mga anak.

Hindi naman napigilan ni Dennis na ihayag ang saloobin sa kanyang post sa IG. Tila nagdaramdaman ito sa kanyang mga anak dahil sa paglimot ng mga ito noong Father’s Day.


Nagpost ito ng mga larawan ng kanyang mga anak sa aktres at nagpaalala na lumipas na nga ang Father’s day.

Mararamdaman ang lungkot sa post ng komedyante sa kanyang post. Gayun narin ang pagka miss niya sa kanyang mga anak.

Tanging hiling lamang ni Dennis, hindi man siya naging perpektong ama, sana’y huwag naman raw siyang kalimutan ng kanyang mga anak.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*