Bea Alonzo, nakatikim ng malulutong na mura mula sa isang sikat na online personality dahil sa ginawa niyang ito

At dahil Father’s Day, kanya kanyang ganap ang makikita natin sa social media.


May nakaka touch, may nakakaiyak, at nakakatuwa din.

Hindi rin naman papahuli ang Kapuso actress na si Bea Alonzo. May sarili rin itong entry para sa pagbibigay pugay sa ating mga dakilang ama.


Para sa pagdiriwang ng Father’s Day, nakipag-collab si Bea Alonzo kay Boy Ina at anak nitong si JR. O mas kilala sila sa social media bilang D’Aniceto’s

Si Boy Ina ay nakilala sa mga unfiltered videos nila ng kanyang anak na si JR. Pati na din sa mga prank ng kanyang anak na laging kinagigiliwan ng marami ang kanyang reaksyon.

Marami nga ang tuwang tuwa sa relasyon ng mag-ama. Cool na cool lang daw at parang napakasarap nilang kasama.

Kaya naman sa latest vlog ni Bea ay ang mag-ama ang kanyang guest. Kinuntsaba ng Kapuso actress si JR para i-prank si Boy Ina.

Palalabasin nila na kinuha ni JR ang rolex watch ng aktres na regalo pa ng kanyang mommy. Sa simula ng video ay manghang mangha si Boy Ina sa laki at ganda ng bahay ni Bea.

Paulit ulit pa nga nitong sinasabi na napakalaking karangalan daw na makasama niya sa vlog si Bea. Dahil aniya once in a lifetime lang daw iyon mangyari.

At inumpisahan na nga nina Bea at JR ang kanilang plano na naging successful naman. Malutong na mura naman ang minutawi ni Boy Ina nang makita na nasa loob ng bag ng kanyang anak ang hinahanap na Rolex ni Bea.

Dito na nataratanta si Boy Ina at sunod sunod na nagpaulan ng mura dahil sa galit sa mga pangyayari.

Nang hindi na mapigilan ni Bea ang kanyang tawa, ni-reveal na nga niya kay Boy Ina na prank lamang iyon.

Sa huli ay ibinahagi ni Bea na ang kwento ng mag-ama ay sobrang nakaka-inspired. Lalo na sa kanyang parte dahil hindi niya naman nakilala ang kanyang biological father magmula nang siya ay ipinanganak.

“Mas tumaas yung tingin ko sa kaniya bilang ama. Ang sarap din makita na ganiyan relationship nila. It was a very heartwarming day for me.”

Narito ang kanilang video:

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*