Angeline Quinto, Nag-alay Na Ng Kanyang Huling Mensahe Para Sa Namayapa Niyang Mama Bob

Kapamilya singer na si Angeline Quinto nagbigay na ng huling mensahe para sa kaniyang minamahal na Mama Bob.
Ang malungkot na balita tungkol sa pagp4naw ni Mama Bob kamakailan lamang ay kinumpirma ng Star Magic Road Manager na si Markie Castillo.

Ibinahagi ni Markie ang larawan ni Mama Bob sa social media kamakailan lamang.

Aniya sa caption ng kaniyang post,

“Last mong sinabi sa akin sa bahay niyo, ‘Paano na yung condo mo kasama ka pala sa nawalan ng trabaho’. Hays, ma miss kita Mama Bob! RIP Mama Bob.”


Sa mga nakaraang report, hindi pa din makapaniwala si Angeline hanggang ngayon at nasas4ktan pa din tungkol sa nangyari sa kaniyang pinakamamal na Mama Bob.

Sa ngayon, wala pang ibinabahaging kahit na ano ang Kapamilya singer kundi ang pagkadurog lamang ng kaniyang puso sa pangyayaring ito.

Ngunit, makalipas lamang ang ilang sandali ay binigay na nga ni Angeline ang kaniyang emosyonal at huling mensahe para sa kaniyang Mama Bob.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Angeline ang kaniyang larawan kung saan makikita na siya ay nasa ospital at yakap yakap ang kaniyang Mama Bob na nakahiga sa hospital bed.


Saad niya sa caption ng post,

“Mag iingat ka sa pag lalakbay Mama. Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sayo.”

Inihayag din ni Angeline kung gaano siya nagpapasalamat na nagkaroon siya ng Mama Bob sa kaniyang buhay.

“Hindi hindi ako mapapagod sa pagpapasalamat sayo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo.”

Sa dulo ng kaniyang post, sinabi naman ni Angeline kung gaano niya kamahal ang kaniyang ina.

“Hanggang sa muli nating pagkikita MAHAL NA MAHAL KONG MAMA BOB. 💔”

Samantala, ang nasabing post ng singer ay inulan naman ng pakikidalamhati ng mga netizens at ang kaniyang mga kasamahan sa showbiz.


Narito ang ilan sa kanilang komento:

Ani Kean Cipriano,

“My deepest condolences bespren loveangelinequinto we’re here for you.”

Komento naman ni KaladKaren,

“Love you, loveangelinequinto. Taos pusong pakikiramay dito lang ako para sayo.”

Saad naman ni Morissette Amon,

“Awww, Mama Bob 💚💚💚 Condolence, Angge. 😭”

Kahit pa man hindi niya biological mother si Mama Bob, ito pa din ang dahilan para makarating si Angeline kung nasaan man siya ngayon at ang nagpursige sa kaniya na tupadin ang kaniyang mga pangarap.”

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*