Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

NAIMBYERNA ang social media influencer at vlogger na si Toni Fowler sa nagdaang na coronation night ng international male pageant na Man of the World na naganap noong Sabado, June 18, sa Baguio City.

Base sa in-upload na video ng vlogger ay inimbitahan daw siya ng mga organizers para maging isa sa mga hurado sa coronation night kaya nabastusan siya nang hindi natupad ang kanilang naunang usapan kaya nilayasan na lamang niya ang naturang event.

Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!
“Bakit ba ako nag-walk out? Masama ‘yung loob ko ngayon kasi the reason why andito ako is nag-judge ako ng Man of The World. Pagkarating ko dito ngayon, eh parang nakikipag-negotiate pa raw kung judge ba ako o hindi, but nasa VIP seat naman ako,” pagkukwento ni Toni.

Labis daw siyang nabastusan dahil nagpunta siya doon para nga maging hurado ngunit hindi naman daw pala ito ang ganap niya.

Dagdag pa ni Toni, nag-invest siya ng panahon at gumastos rin siya para sa kanyang outfit at hindi nagpabayad dahil nga charity event ito pagkatapos ay ganon ang nangyari.

Pagpapatuloy niya, “Medyo busy kasi akong tao. Ito kasi ‘yung mahirap e. Charity work ‘to, hindi ako bayad. I’m just here to help kasi may mga magbe-benefit dito na ibang tao kapag alam mo yun, nagpo-promote ka ng mga ganitong klaseng events. So, hindi worth ng oras ko na yung ipinunta ko dito.”

Toni Fowler Biography, Wiki, Age, Height, Family, Husband, Vlog, Net Worth
Nilayasan na rin niya ang hotel na ibinigay sa kanya ng mga organizers dahil ayaw na niyang makipag-usap sa mga ito dahil talagang na-offend siya sa ginawa ng mga ito sa kanya.

Humingi naman na ng paumanhin ang organizers pero ayaw na rin niya itong kausapin.

“This is too much. Nag-dress ako for this, nagpatahi ako for this, nandito ako para mag-judge at maging part ng coronation ng Man of The World dahil ako po yung kinulit, ate ko po yung kinulit,” dagdag niya.

Tinawagan rin ni Toni ang kanyang kapatid na si Mari Fowler para magsumbong sa nangyari sa naturang event.

Sa huli ay naghanap na lang ng panibagong hotel ang influencer kasama ang kanyang dyowang si Vince Flores pati na rin ang iba pang members ng ToRo Family.

Bukas naman ang Bandera hinggil sa pahayag ng mga Man of the World organizers ukol sa isyung ito kaugnay ang social media influencer na si Toni Fowler.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*