Nabyudong Ama, Mag-isang Inalagaan ang Kanyang Triplets

Napakahirap ng nangyari sa mister na kinilalang si Joel Orbello Regal matapos bawian ng buhay ang kanyang misis na si April Edlagan Regal. Triplets ang iniluwal ni April- Jia Aamari, Jayce Aliyah at Jaswhi Adaliah. Binawian ng buhay si April kinabukasan matapos itong manganak sa kanyang triples. Ang masasayang pangarap na binuo ng mag-asawa para sana sa kanilang mga anak ay bigla na lamang nagbago.

Kinakailangan ng triplets na mabigyan ng breastmilk para mabigyan sila ng sustansya. Humingi ng tulong si Joel na sana ay mabigyan ang kanyang triplets ng breastmilk at hindi naman siya nabigo, dahil bukod sa breastmilk ay binigyan din ang triplets ng mga mahahalagang gamit pang babies.

Labis namang pinasalamatan ni Joel ang mga taong tumulong sa kanya lalo na sa kanyang triplets.

“Ang bilis ng pangyayari.”

Aniya, pumanaw ang kanyang misis dahil sa “acute respiratory failure.”

“Malaki po ‘yun sakripisyo ng asawa ko. Minahal at inaalagan po mabuti ng asawa ko ang mga anak ko no’n nasa t’yan pa lang sila.

“Kaya bilang tatay na lang nila, kahit mahirap, pipilitin kung kayanin at maging matatag sa kabila ng lahat. Katuwang ko po sa pag-aalaga ang aking biyenan at kapatid ng aking asawa.

“Mahirap po ang bigat sa pakiramdam, especially po no’n unang pagkakataon na babalik na ‘ko sa trabaho. Hindi ko talaga mapigilan lumuha habang nagda-drive paalis.

“‘Yun pakiramdam na gusto mo lang na lagi sila kasama kasi sila ‘yun dahilan kaya nakukuha ko pa ngumiti. ‘Yun mabuhat ko sila at mahalikan, gumagaan pakiramdam ko pero kaylangan umalis at magtrabaho para sa kanila.”

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*