Kris Bernal napilitang ibenta ang nabiling ticket para sa London concert ni Adele, anyare?

BAKIT kailangang ibenta ni Kris Bernal ang biniling ticket para sa concert ng award-winning international singer na si Adele na gaganapin sa London?

Sobra ang pagkadismaya at panghihinayang ng Kapuso actress dahil mukhang hindi na nga matutuloy ang plano nilang pagpunta sa United Kingdom.

Ito’y para mapanood nga ang pinakaaabangang concert ni Adele sa Hyde Park London sa July 1. Si Adelle ang nagpasikat sa mga kantang “Rolling in the Deep,” “Someone Like You,” “Chasing Pavements” at marami pang iba.

WATCH: At Kris Bernal and Perry Choi's surprise engagement proposal | GMA  Entertainment
Kuwento ni Kris, feeling niya ay hindi na sila mabibigyan ng UK visa ng asawang si Perry Choi na siyang kailangan sa pagpasok sa naturang bansa.

Kaya malamang sa malamang baka raw ibenta na lamang nila ang dalawang concert tickets na nabili nila sa pre-selling ng tickets online noong October, 2021.

Narito ang pagsisintir ng aktres sa kanyang Instagram post kamakalawa, June 21, “WE HAVE NO CHOICE BUT TO SELL OUR ADELE CONCERT TICKETS (weary face, praying hands emojis).

“You may recall that we were able to score #Adele concert tickets during its preselling last October 2021. We figured that since we had tickets, we might as well spend our honeymoon touring the UK and Europe for a month,” lahad pa niya.

Kasabay nito, bumili na rin daw sila ng airplane tickets para makapamasyal na rin sa London at Europe, pero mukhang mapupurnada pa nga dahil wala pa silang UK visa na inaplayan nila six weeks ago pa.

“We’ve already scheduled a flight for June 28, with London as our first stop to see Adele’s concert. We applied for a visa to the UK six weeks ago and have yet to receive it (crying face emoji).

“As the flight and concert approaches, we have no choice but to sell our #AdeleTickets (pleading face emoji).

“Heartbreaking as to see Adele perform face to face has always been at the top of my bucket list and a dream of mine,” sey pa ni Kris.

Patuloy pa niyang pagsusumbong sa kanyang IG followers, “If anyone is interested to buy our #AdeleConcertTickets #EasyOnMe, don’t hesitate to send me a DM.

“We are selling it at a reasonable price just to cover the costs of the tickets and rebooking flight. (praying hands emoji).

“Date: July 1, 2022, Fri, 2:00PM
“Venue: Hyde Park, London
“Seats: (2) Gold Circle East.”

Base sa website ng pre-selling tickets sa concert ni Adele, tumataginting na P108,000 ang presyo ng isang ticket na malapit sa stage habang ang nabili raw ni Kris ay (Golden Circle East) nagkakahalaga ng mahigit P23,000 each.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*