Diego Loyzaga, Franki Russel in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram ilang araw matapos umaming nagde-date

ANYARE? Bakit bigla na lang nag-unfollow sa isa’t isa sina Diego Loyzaga at Franki Russel sa Instagram?

Makalipas lang ang dalawang linggo nang aminin ng hunk actor na totoong nagde-date sila ng dating “Pinoy Big Brother” housemate ay mukhang “the end” na agad ang kanilang love story.

Ang mga IG followers nina Diego at Franki ang nakapansin na hindi na nila pina-follow ang bawat isa sa Instagram kaya naman kanya-kanya nang hula ang netizens kung ano ang posibleng dahilan.

Are Diego Loyzaga and Franki Russell dating?
Ayon sa mga nabasa naming reaksyon ng mga IG users, baka raw na-realize nina Franki at Diego na hindi sila compatible sa isa’t isa kaya hindi na nila pinatagal pa ang “dating stage.”

Samantala, sa isa namang Instagram Stories ni Diego ipinost niya ang excerpt mula sa isang libro kung saan nakasaad ang mensahe tungkol sa “walking away.”

“What must you do when someone is not ready to be with you? You walk away. Love yourself enough to walk away from anyone who does not know your worth,” ang bahagi ng nakalagay sa quote.

Kasunod nito, ni-repost din ni Diego ang litratong ibinahagi ng aktor na si Markus Paterson kung saan magkatabi silang nakaupo with matching background music pa na “Single Again” by Big Sean.

Wala pang reaksyon sina Diego at Franki sa mga tanong ng netizens kung ano talaga ang nangyari sa kanilang “dating status” at kung bakit dedma na sila sa kani-kanilang IG page.

Kamakailan, sa isang panayam, inamin nga ni Diego ang tunay na estado ng relasyon nila ng dating “PBB” housemate, “You know what, I’m a hypocrite, I said I wanted to focus on myself, but I guess these things you don’t expect it, it really just comes along.

Franki Russel, bagong gf ni Diego Loyzaga? – Daily Tribune

“And ever since meeting up with her and hanging out with her, it hasn’t stopped, we really did click. So I would definitely say that right now, we’re dating,” aniya.

“We have known each other for 10 days, we are not a thing. Who am I to say that? I can’t give a label that we are something. Ang kapal naman ng mukha ko na sabihin na kami na. I mean, I haven’t asked her. But noon ‘yon, iba ngayon,” paglilinaw pa niya.

 

“I guess I’m the type of guy that if I’m dating one girl, the rest, I’m not gonna talk to. Like if there are other girls that I was talking to, I would stop talking to them. I’m talking for myself. I have to go talk to her and be like, ‘Are we on the same page?’” chika ng ex-boyfriend ni Barbie Imperial.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*