Cristy Fermin sa diumano’y pagbubuntis ni Julia Montes: Aminin kung totoo

MULI na namang naungkat ang chika ukol sa diumano’y pagdadalangtao ng Kapamilya star na si Julia Montes.

May mga “Marites” na nakapansin na tila malaki na raw ang tiyan ng aktres at palaging may takip raw ang tiyan nito sa mga larawan.

Kaya naman isa ito sa mga naging topic sa show nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Morly Alinio sa “Showbiz Now Na”.

Julia Montes Page Liked · August 22 · With Ankit Kumar, Prakhyaat Parashar,  Preetam Kumaar and 44 others.
Pagbabahagi ni Cristy, una daw itong naging bulung-bulunga matapos mapansin ng ilang netizens ang tiyan ni Julia sa teleserye nitong “Ang Probinsyano” na sinundan ng mga posts ni Julia na madalas ay may takip eaw sa bandang tiyan.

“Yang ingay ng pagdadalangtao na yan noong laman ni Manang Inday [Susan Roces],” umpisa niya.

Pagpapatuloy pa ni Cristy, “Nagpunta po lahat mga ka-chika ang staff, crew, at mga artista ng ‘Ang Probinsyano’ sa lamay. Nagkaroon ng eulogy, wala si Julia Montes. Hinanap siya. Ang dahilan na lumutang, bawal daw pong magpunta sa burol ang buntis.”

Aniya, hindi naman na bago ang isyung ito kina Coco at Julia dahil noong 2019 rin ay kumalat ang balitang buntis ito na hindi rin naman inamin noon.

LOOK: Kathryn Bernardo, Julia Montes celebrate 10 years of friendship |  Flipboard
Dito ay nabanggit rin ni Cristy na nagalit daw diumano sa kanya ang mga ito dahil sa naging detalyadong pagsusulat nito ukol sa chikang buntis si Julia sa panganay nila ng rumored boyfriend na si Coco.

“At ipagpalagay na na kayo’y tinututukan ng mga Marites, ng mga reporters, namin, wag kayong magagalit. Public figure kayo. Pinasok n’yo itong mundo ng entertainment. Natural lamang na anumang kilos o galaw n’yo, para kayong mga isda sa aquarium, sinusundan kayo. Wag kayong magagalit tutal ang laki laki naman ng benepisyong nakuha nyo sa publiko. Yumaman kayo, gumanda ang buhay nyo, sumikat kayo,” sey pa ni Cristy.

Napag-usapan rin nila ang ilan sa mga celebrities na todo deny noon sa mga anak nila na later on ay inamin rin nila sa publiko.

“Aminin na ang dapat aminin, mahirap maging sorry sa darating na araw… Ang punto po atin, aminin kapag totoo. I-deny kung walang katotohanan,” sey pa ni Cristy.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*