Grade 12 student sa Isabela nakakakuha ng scholarship mula sa 7 university sa ibang bansa

Not one, not two, but seven admissions sa international universities ang naipasa ni Benjamin Arches Baui ng Santo Tomas, Isabela.

Si Bench ay isang graduating senior high school student mula sa Advance Montessori Education Center of Isabela.

Gumagawa siya ng ingay ngayon dahil ang alok na scholarship sa kanya ay may total na tinatayang PHP11 million.


Natanggap si Bench sa Arizona State University sa Tempe, Arizona, U.S.A., na may $40,000 (PHP2 milyon) na scholarship grant.

Nakapasa rin siya sa Xavier University sa Ohio na may kasamang scholarship grant na $100,000 (mahigit PHP5 million).

Pasado rin siya sa University of Arizona at may scholarship grant na $30,000 (PHP1.5 million).

Pumasa rin siya sa Merrimack College sa Massachusetts, at nagkaroon siya ng conditional admission sa Syracuse University sa New York.

Inalok din siya sa Jacob University sa Bremen, Germany, na may taunang 6,000 euros scholarship (PHP330,000).

Pero sa pitong ito, anong unibersidad ang pipiliin ni Bench bago magsisimula sa Fall 2022.

“Yun po yung pinaka mataas na na-receive kong scholarship, which costs PHP1.5 million per year, into five years of my course.

“Tapos malamang aabutin ako, tatanggap ako [ng scholarship] humigit-kumulang PHP7 million.

Plano niya kasing kumuha ng Bachelor of Science in Architecture. Parang nasa cloud nine ang pakiramdam ni Bench dahil ito raw ang kanyang “personal choice.”

“The fact na nakuha ko po at nakita ko ang pinakamataas na scholarship sa pinaka-top choice kong school ay sobrang saya po.”

Pagbabahagi niya sa kanyang pag-a-apply sa international schools, “Para siyang roller-coaster ride. Nakaka-stress, pero masaya.

“Nag-pay off naman po yung hirap ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining…”


Sa kanyang Facebook post, inilista rin ni Bench ang limang unibersidad sa Pilipinas kung saan nakapasa siya.

Tanggap siya sa University of Santo Tomas, Far Eastern University, Enderun Colleges, De La Salle University- Dasmariñas, at University of Saint Louis – Tuguegarao.”

Overwhelmed nga si Bench na nakita niya ang aniya ay “once in a lifetime” opportunity. “Noong bata pa ako. Isa lang iyong panaginip. Nagsimula ang lahat sa isang pangitain at ngayon ay nakamit ko ito.

“Ang makamit ang isang pangarap ay napakagaan sa loob. “Kahit sabihin man nila na dream school o it’s only once in a blue moon… yes, that’s right. “It is only a once-in-a-lifetime opportunity so I’m really willing to grab it.”

Nagsimula raw magka-ideya si Bench sa chance na makapag-aral sa abroad sa Facebook post ng isang kaibigan.

Kaka-start pa lang daw ng school year bilang Grade 12 noon. I was really amazed, ‘Wow, may mga ganito pala na puwedeng makuha.’ Duda man noong una, nagtanong siya sa kaibigan kung paano ang proseso ng pag-a-apply. Tinulungan naman siya nito.

Ngayong mag-aaral siya sa U.S., pakiramdam daw ni Bench ay tinutupad din niya ang pangarap ng mga magulang.

“Sinabi na gusto ng mga magulang na mag-aral sila abroad [dati], it’s like hitting two birds with one stone. “Ito ay tulad ng pagkamit ng aking mga magulang na pangarap na katulad ng sa akin.”

Malaking tulong din daw ito sa pamilya na na-bankrupt ang mga negosyo dahil sa pand3mya. Titiisin niya ang mapalayo sa pamilya dahil pangarap niya ang magkaroon ng malalaking oportunidad para sa sarili at para sa pamilya. Nais daw niyang maiahon ang pamilya mula sa problemang pananalapi.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*