Bianca naiyak, napayakap kay Robi sa pagtatapos ng PBB 10: First time kong maka-experience ng ganito…

NAPAIYAK ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa Big Night ng “Pinoy Big Brother Kumunity” season 10 nitong nagdaang weekend.

Kitang-kita on national TV ang pagluha ni Bianca nang magpaalam na sa madlang pipol matapos bumandera ang pagkapanalo ni Anji Salvacion bilang Big Winner sa latest edition ng Kapamilya reality show.

Si Bianca ang nagsilbing main host sa kalagitnaan ng pag-ere ng “PBB 10” matapos mag-resign si Toni Gonzaga sa programa noong February, 2022 habang nangangampanya para sa bagong pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sa naganap ngang Big Night, bago ang pagluha ni Bianca, nagbigay muna ng mensahe ang co-host niyang si Robi Domingo na ipinagdiinan muli ang mantra ng mga ABS-CBN employees noong magsara ang ABS-CBN, ang “Kapamilya Forever.”

Bianca Gonzalez proud morena moments | ABS-CBN Entertainment

“Hindi matatawaran ang pamilya at kumunity na ating binuo kaya sa ngalan ng lahat ng staff, crew, Kapamilya, housemates, at ni Kuya, maraming maraming salamat sa inyong lahat at sana hindi magbago ang ating pagiging isang pamilya.

“Kahit anong mangyari, Kapamilya forever!” sigaw ni Robi.
Pahayag naman ni Bianca, “Mga Kapamilya, tayo ay isang kumunity, isang pamilya, isang bansa.

“Taas-noo nating ibinida ang galing ng Pinoy. Hanggang sa muling pagbubukas ng bahay ni kuya, ang dating border ng bahay ni Kuya, Bianca Gonzalez. Kami at tayo ang pamilya ni Kuya!” aniya pa.

Nagpalakpakan at nagsigawan naman ang iba pang hosts ng “PBB” kabilang na sina Melai Cantiveros, Kim Chiu, Richard Juan, Sky Quizon, Maymay Entrata at Enchong Dee.

Bianca Gonzalez announces pregnancy

Bigla namang yumakap si Bianca kay Robi at tuluyan nang naiyak. Nag-dialogue naman si Kim (naluluha na rin) ng, “Ate B, thank you so much!! We love you, Ate Bianca!”

Ang nagkakaisang reaksyon ng netizens matapos napanood ang makabagbag-damdaming eksena sa “PBB 10” ay si Bianca raw talaga ang “real big winner” ng reality show.

At dahil nga sa emosyonal na pamamaalam ni Bianca sa “PBB” last Saturday, naging trending topic siya social media at halos lahat ay nagkomento ng “job well done.”

Sa kanyang Twitter, nag-post ng mensahe ang TV host sa lahat ng sumubaybay sa “PBB” kasabay ng pasasalamat sa mga naniwala at nagtiwala sa kakayahan niyang maging main host ng programa.

“Still in a daze from everything that happened yesterday. My heart is overflowing with gratitude, gratefulness, joy, humility reading all your posts and tags.

“First time kong maka-experience ng ganito in my almost 19 year professional hosting career. Thank you so, so, so much!” sabi pa ni Bianca.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*