Anne inasar-asar ni Vice dahil sa viral ‘irap at taas-kilay’ video: Kung ako siguro ang gumawa nu’n, na-bash na ‘ko!

BONGGA talaga ang inabangang pagbabalik ng original “Dyosa” ng ABS-CBN na si Anne Curtis sa “It’s Showtime”.

Pinag-usapan at naging trending topic ang comeback ng Kapamilya TV host-actress sa nasabing noontime show last Saturday, May 28, kaya naman super thankful and grateful si Anne.

At bukod nga rito, naging hot topic din sa social media ang viral meme ngayon ni Anne na kuha sa “Showtime Sexy Babe” segment ng kanilang programa.

Is this fight clip between Anne Curtis and Erwan Heussaff a deleted scene  from 'Buy Bust'?
Sa nasabing post, makikita si Anne na tila nakataas ang kilay at itsurang umiirap at nagtataray. Ang nakasulat na caption dito ay, “A NEW ANNE CURTIS MEME WAS BORN.”

Mabilis ngang kumalat ang video sa socmed at humamig na ng libu-libong likes, comments at retweets. At isa nga sa mga kapwa celebrities na nagkomento rito ay ang co-host niya sa “Showtime” na si Vice Ganda.

Ni-retweet ng TV host-comedian ang video ni Anne last Sunday, May 29 at nilagyan ng caption na, “Inaano ka ba nu’ng contestant @annecurtissmith???”

Nang makarating ito kay Anne ay ni-repost din niya ang video sa kanyang Twitter account na may caption na, “Hahahahahaha!” with matching “grinning face with sweat emoji,” na ang ibig sabihin ay hiyang-hiya rin siya sa kanyang reaksyon.

Anne Curtis shares first photos with Erwan Heussaff on 10th anniversary -  Latest Chika

Kahapon, muling inokray ni Vice si Anne sa live episode ng “Showtime” at binuksan nga ang topic tungkol sa viral meme ng aktres.

Sa intro ng “Showtime Sexy Babe” segment, nag-joke muna sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid kay Vice dahil sa mataray na itsura nito.

Aniya, ganoon daw kasi ang reaksyon ni Anne nu’ng Sabado, “Tapos iniirapan niya lang yung contestant. Pero ang ganda,” hirit ng komedyante.

Sabi pa ni Vice, aliw na aliw pa raw ang madlang pipol kay Anne kaya ang hugot niya parang may “discrimination” daw sa social media.

“Kasi kung ako siguro ang gumawa nu’n, binash na ako. Yung seryoso, hindi joke, ha. Pero si Anne Curtis ang ganda ng caption, ‘A new meme was born!’” ang tila nagtatampo pang sey ni Vice.

Patuloy pa ring ginaya ni Vice si Anne nang simula na niyang interbyuhin ang contestant. Tinitingnan niya ito nang masama mula ulo hanggang paa.

“Anne Curtis na Anne Curtis,” hirit uli ni Vice.

Sey naman ni Ogie, “‘Yan, taray-tarayan lang.”

Tawa naman nang tawa si Vhong sa ginagawa ni Vice at nagsabing hindi raw talaga niya nakita ang viral reaction ni Anne sa nakaraan nilang episode.

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*