Alora Sasam nag-sorry sa KathNiel nang magbakasyon sa Thailand: Pasensiya na sa istorbo, hiyang-hiya ako!

KANYA-KANYANG hula ngayon ang mga KathNiel fans kung ano nga ba ang nagawang “kasalanan” ng komedyanang si Alora Sasam kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nag-sorry kasi ang Kapamilya comedienne sa magdyowa dahil sa hindi inaasahang pangyayari habang nagbabakasyon sila sa Thailand.

Si Alora kasi ang nagmistulang “third wheel” sa 10th anniversary celebration nina Kathryn at Daniel bilang couple at sa kanyang mga recent social media posts, marami siyang revelations tungkol sa dalawang Kapamilya stars.

Alora, tinawag na 'Christmas savior' si Kathryn | ABS-CBN News
Ngunit sa latest Instagram post ni Alora, parang may “something” na nangyari sa kanilang tatlo sa Thailand. Nagbahagi siya ng kanyang litrato kasama ang KathNiel kalakip nga ang mahaba niyang nakamaintrigang mensahe.

“Team Good souls @bernardokath @supremo_dp. Nasabi ko na gusto kong sabihin sa letter. Dagdagan ko na lang ng daghang salamat at pasensya.

“Daghang salamat kaayo sa Thailand experience. First time ko sa Thailand at di ko akalain si Mami ang makakasama ko at lalo naman ang KathNiel! Pasensya na sa storbo sa trip niyo,” panimula niyang caption.

LOOK: KathNiel and friends go on 'triple date' - Latest Chika

Patuloy niya, “May mga bagay na di natin inaasahan. Hiyang-hiya ako pero sana nakabawi ako sa mga photos niyo. Ok lang kung ayaw niyo muna akong makita.”

Kasunod nito, ibinahagi rin niya ang naging komento ng isang nagngangalang “Beer” patungkol sa young couple na nakasama nila sa Thailand.

“Chika ko na lang din ano sinabi ni Beer sa akin habang pinagmamasdan kayo magka-holding hands at binibiro ni Dj si Kath na uwi siya sa hotel at matutulog habang lambing na sisimangot si Kath sabay sabing ‘Sige Daniel…’

“Hindi raw makapaniwala si Beer na superstars kayo sa Pinas. Napaka-normal niyo daw. Sabi ko yes, very down to earth. Hindi siya makapaniwala na ang mga pasahero niya ay napakasikat na loveteam sa Pinas pero nakikipagbiruan sa kanya.

“Gulat siya na bigla kayong bibili ng pagkain o buko juice sa gilid ng kalsada. Bumilib siya dahil isinabay siya kumain sa hapagkainan at may pa take-out pa damay ang jowa niya. Na amaze siya gaano niyo pinahahalagahan ang elephants.

“Dagdag ko nga dapat mabilis lang ang kilos pagkuha ng pics kasi ayaw ni DJ na mahirapan ang elephants. Na ang sarap pakinggan ng mga kwento at paglalahad niyo ng pagmamahal sa kalikasan. Mga huwarang anak talaga kayo ni Min (Bernardo) at Karla (Estrada). For sure nagulat na naman yun si Beer dahil paghatid niya sa atin sa airport, walang pagdadalawang-isip na niyakap niyo siya.

“Proud akong tayo ang first Filipino clients niya at maganda ang unang opinyon niya sa ating mga Pinoy. Pero mas proud ako na may mabuting pagkatao ang napili kong mga kaibigan. Uulitin ko, mahal ko kayong dalawa. Happy 10th.

“Nagmamahal, Alorskieee (ang pinapauwing third wheel…sorryna),” ang huling hirit ng komedyana.

Kayo mga ka-BANDERA, ano sa tingin n’yo ang nangyari sa Thailand at super sorry siya sa mga kaibigan niyang superstars?

Hãy bình luận đầu tiên

Để lại một phản hồi

Thư điện tử của bạn sẽ không được hiện thị công khai.


*